Brilliant Sunshine

It's just me, thinking out loud

Kwentong Sizzling Bulalo

on July 17, 2012

Apologies to my non-Filipino readers, this article is written in Taglish (Tagalog-English) for some personal purposes.

Sizzling Bulalo

Kung si Noringai may Kwentong Jelly Beans ako may Kwentong Sizzling Bulalo but this is nothing like the famous jelly bean metaphor, this one is truly literal.

We had dinner at Dencio’s last night, before pa kami makapasok may malaking picture na ng Sizzling Bulalo sa harap, instantly nag-crave ako. So when it was our turn to order, Sizzling Bulalo agad ang nirequest ko sa kapatid ko, siya kasi ang taya. Matagal before na-serve ang order namin but I won’t anymore narrate about our dining experience. To make it short, sa lahat ng inorder namin huling dumating ang Sizzling Bulalo. Pagkalapag sa harap ko, nagsimula ko ng maalala ang lahat.

It was your second to the last night in Manila, it was our last date. Super pinilit mo lang talagang isiksik sa tight mong schedule, paeskapo pa tayong umalis ng office, as if namang hindi nila mahahalata. Sa kakamadali mo naiwan mo pa ang wallet mo, dyahe noh? you ended up borrowing money from me, pati driver mo na kinaiinisan ko (dahil mukhang hindi sya boto sa akin, as if may say sya) no choice but to ask money from me. Ok lang naman, nakakatawa pero ok lang, I honestly don’t mind, hindi naman na ‘to first date and we have attained that certain level of comfort already. We bought “pasalubong” first for your colleagues in Singapore, so medyo naglakad lakad pa tayo sa Market Market. In all honesty, eto ang gabing sobrang wala akong pakialam sa mundo, wala akong pakialam sa paligid ko, wala akong pakialam kung may makakita sa atin. After some stroll, it’s time for dinner another dyahe moment for you. Instead of dining on one of the posh restos around we ended up dun sa may opposite ng mall, yung parang may Tiendesitas set up. Ok lang sa akin kahit na suot ko ang favorite kong blue dress na according sa mga officemates natin eh ang sosyal raw. At dahil wala nga akong pakialam sa mundo that night, I don’t care kahit hindi akma ang suot ko sa lugar. We ordered from a number of stalls, hindi ko malaman ano talaga ang gusto ko nun, wala naman talaga akong kini-crave nun, ang important for me is for you to enjoy the last few days of your stay, order all the Filipino food that you want. Hanggang sa bigla kong naisip ang Sizzling Bulalo, so I looked around then you asked me what am I looking for. I told you that I was looking for Sizzling Bulalo but it’s okay since I can’t find it. Then we proceeded to our table but you left once you put down the tray, nagtataka ko kung san ka pupunta at ano ang gagawin mo. Pagbalik mo may dala ka ng Sizzling Bulalo, syempre natuwa ako hindi dahil masasatisify ang craving ko pero dahil nageffort ka galugarin ang lugar maibigay lang ang gusto ko kahit na hindi mo kabisado ang tinda ng mga stalls.

Eto ang isa sa mga kilig moments, I was at the brink of asking you that night kung ano ba ko sayo. Ang comfortable na kasi natin sa isa’t isa. May mga hypothetical questions pa tayo na obvious naman na ang tinutukoy natin ay ang isa’t isa. Wala ng pa-best foot forward nung mga panahon na ‘to, at least for me. This was the night na na-prove kong ok akong kasama ka, libre man o hindi, gusto ko man ang place o hindi, it’s your company that I enjoy and not the perks. Eto ang gabi na huma-high school moment ka na naman. Nagaattempt na hawakan ang kamay ko, nakakatawa ka para kang tauhan sa koreanovela. Pero eto rin ang gabi na medyo nagpapahaging ka na ng kaseryosohan dahil tinatanong mo na ang reaction ng family ko. Kung na-extend lang sana ang stay mo malamang umabot tayo dun. Kung na-extend lang sana ang stay mo malamang we made everything official.

Pero on the second night after that Sizzling Bulalo umalis ka na at hindi na kita nakita pang muli. Buti na lang hindi ka nag-extend, buti na lang hindi kita naipakilala sa family ko, buti na lang we didn’t make anything official. Buti na lang… I’m not sure how things would have turned out, all I know is that the day you left brought me sadness, may drama pa kong this must be how Bella felt when Edward left her. If we made it official, syempre naging mas malinaw ang lahat along with it mas malinaw rin na magexpect ako from you at mas malinaw rin na masasaktan lang ako sa sobrang disappointment. Kung ang effort mo lang sana ay naging consistent tulad ng paghahanap mo ng Sizzling Bulalo nung gabing yun wala sana tayong problema bukod sa pagtawid sa dagat. If you were only able to prove that you’re worth it, I would’ve flown to Vietnam on your birthday like you asked me to. Pero hindi eh, puro if only lang ang lahat. Maybe because there are things which are more important to you right now, yun nga lang hindi ito palabas na naipo-pause kung kelan mo gusto at i-paly ulit kapag ready ka na. Life goes on, time won’t wait. Tulad ng Sizzling Bulalo, strike while it’s hot, hindi na masarap kapag malamig na. Yun pa rin naman sya, bulalo pa rin naman, yun pa rin naman yung gravy pero di ba hindi na tulad ng dati? Pede namang initin pero hindi na guaranteed na magiging sing-sarap sya nung dati. Pero ‘wag din naman magmadali baka mapaso ka at hindi mo na ma-appreciate ang lasa.

Hindi ako masyado natuwa sa Sizzling Bulalo sa Dencio’s mas masarap yung sa Marina, I know dun ka nakahanap. Sabi din ng kapatid ko mas masarap ung version ng Marina so ibig sabihin hindi ikaw ang factor kung bakit mas ok para sa akin ang Sizzling Bulalo nung gabing kasama kita.

Sa haba ng article na ‘to, I don’t think kaya ‘to ni Google Translate sakaling mahanap mo man.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: