Brilliant Sunshine

It's just me, thinking out loud

Hintay

on October 25, 2010

Tahimik na nakapila
nagaantay sa fx
malamig ang hangin
kasabay ng pagambon
1,2,3
ang tagal naman…
Kelan kaya darating?
Nang makapahinga
ang katawang hapo
8 oras na trabaho
4 na oras na byahe
antay pa baka paparating na
4,5,6
kung nag-bus na lang sana ko
ang tagal, ayoko na
sabay alis sa pila
sa hintayan ng bus nagpunta
hala…tama ba?
1,2,3
muling nagbilang
lahat ng dumadaan ay puno
walang puwang
kahit ipagsiksikan pa
bakit ba kasi lumipat pa?
4,5,6
ilan pa kaya?
Nababasa na ko
mali ata ang pinili kong hintayin
bakit nga ba biglang umalis sa pila?
Umiihip ang malamig na hangin
kasabay ng ambon
tahimik na nakatayo
tahimik na nagaantay
nang biglang dumaan ka…
Susunod ba ko o hindi?
Tama bang sundan ka?
Pero hindi kita tatawagin
aantayin kong makita mo ko
sige isip pa kung ano ang gagawin
1,2,3
tumatakbo ang oras
baka naiwan mo na ko
pero malay ba natin…
Baka makahabol pa
sabay alis sa pila
ang bus nga ba talaga ang inaantay?
O ang pagasang lilingon ka at makita ako?
Nahuli ata ako…
Wala ka na…
Bakit pa kasi umalis sa mapayapang pila?
Ngayon kelangan ko tuloy makipagunahan at makipagsiksikan
‘di na kita nakita
malamang nakasakay ka na
dumating ang bus
sa wakas nakasakay din
siksikan pero kumasya naman
at matapos ang lahat
may swerte dn naman
bumaba ang natapatan ko
kaya komportableng nakaupo
para bang sadyang inilaan
matapos ang matagal na paghihintay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: