Ang nakikita nyo kasi maganda ang suot ko, nakangiti ako, maraming tatak ang passport ko at madalas may bagong picture sa Facebook. Most of the people I know are thinking na perfect ang buhay ko except sa palpak kong love life. Pero kung alam nyo lang paano mabuhay ang isang tulad ko, paano maging ako hindi nyo nanaising maging ako.
Oo, hindi nyo nanaising maging ako just the same as hindi ko rin naman nanaising maging kayo. Bakit ko nga ba sinusulat ‘to? Hindi naman talaga ko popular na tipong everybody knows me and wants to be me, I’m just a normal office girl pero sa pamilya at friends ko iba ang tingin nila sa akin. Feeling nila big time ako, maganda naman talaga ang trabaho ko kung yun lang, pero hindi naman limpak limpak ang pera ko tulad ng inaakala nila, puro kasi panlabas ang nakikita ng mga tao pero ung pinagdadaanan ng isang tulad ko hindi naman nila alam. Hindi nila alam na deep down inside despite of a career that looks successful and well paying on the outside, I still have this feeling na hindi enough ang na-achieve ko, na feeling ko I could do better, na parang under utilized pa rin ang competencies ko, I want more siguro dahil ambisyosa ko masyado. Hindi nyo rin alam na feeling ko minsan hindi pa rin enough ang kinikita ko lalo na kapag nakikita ko sa Facebook na dollars ang kinikita ng iba kong ka-batch. Friends? I have lots of friends but there are also times when I feel like I don’t belong at all yung tipong lagi kang sa gitna, yung kausap mo nga lahat pero kapag nagkapilian ng tig-iisang isasalba hindi ka sure kung may pipili sa’yo. Don’t get me wrong I have true friends, sure naman ako dyan pero kasi yung mga sure ako na true friends hindi ko na rin sila nakakasama everyday kaya minsan napi-feel kong I’m left out. Hindi na ako aangal sa out of town or out of the country trips pero ‘lam mo yung feeling na minsan gusto mo lang manood ng sine o mag-mall, mag-try ng bagong resto pero wala kang kasama unless na lang ilibre mo ang kapatid mo o ang nanay mo, hindi naman sa nagrereklamo ako na nagpapalibre sila, wala lang parang ang loser lang, imagine I’ve watched movies alone. Ok lang rin naman manood ng mag-isa, mas naaappreciate ko nga ung movie eh pero iba pa rin ung paglabas ng movie house eh may kakwentuhan ka ’bout sa pinanood nyo o may katawanan ka kasi naiyak ka sa mga unexpected scenes. Ang dami kong angal di ba? Idagdag pa natin ang mapanghusgang mata ng mga tao, na dahil ganito ang pagkakakilala nila sa’yo laging may expectations lalo na sa ipapakilala mong boyfriend, oh well, hindi ko pa dapat problemahin yan dahil wala pa naman talaga akong ipapakilala sa ngayon. I know I shouldn’t mind what other people think as long as I’m not hurting anyone (intentionally) pero aminin man natin at hindi, it matters somehow, may reputation na gusto i-keep.
Madami akong reklamo pero hindi ko pa rin ipagpapalit ang buhay na meron ako, ’cause despite it’s imperfections I’m still very thankful for each day what I’m just trying to say is each one of us are going through something, no one leads a perfect life so ‘wag mong isiping masarap maging ibang tao, let’s just trust God’s wisdom.









